WATCH: Kapuso childstars Will Ashley at Sofia Pablo spotted sa 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Abangan si Will sa Mulawin VS Ravena at si Sofia sa Super Ma'am!

WATCH: Kapuso childstars Will Ashley at Sofia Pablo spotted sa 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Masayang nakipagtugs-tugan ang mga promising child stars ng Kapuso Network na sina Will Ashley at Sofia Pablo sa morning radio program na Sikat sa Barangay.

WATCH: Jak Roberto, may ikinuwento tungkol kay Sanya Lopez sa 'Sikat sa Barangay'

Dito higit na nakilala ng mga Kabarangay ang dalawa kung saan naka one-on-one sila si Mama Belle.

Naikuwento ng guwapong si Will Ashley na una niyang show sa GMA-7, ang afternoon soap na Villa Quintana.

Aniya, “Una po nag-start ako mag-workshop, tapos mayrun po ako kasing pinsan tapos sinabi po sa akin ng tita ko po na mag-audition po sa show sa GMA ‘yun po ‘yung una ko pong show ‘yung Villa Quintana.

Mapapanood din si Will sa pagtatapos ng Mulawin VS Ravena kung saan nakasama niya si Ayeesha Cervantes.

Memorable para sa child star ang experience na mapasama sa higanteng telefantasya series lalo na at naka-costume daw siya dito.

 

Abangan sina Will Ashley at Ayeesha Cervantes sa Mulawin VS Ravena!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Wika ni Will, “Okay naman po, masaya po. Parang ang saya po suotin nung costume lalo na may pakpak [laughs].”

Inanyayahan naman ni Sofia Pablo ang lahat ng mga Kapuso na tumutok sa pilot episode na Super Ma’am sa darating na September 18 kung saan gaganap siya bilang young Kim Domingo.

 

Will Ashley and Sofia Pablo are now live on Sikat Sa Barangay on Barangay LS 97.1!

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Muling balikan ang guesting nina Will Ashley at Sofia Pablo sa Sikat sa Barangay via Facebook Live video below.

FB live with Will Ashley & Sofia Pablo sa Sikat Sa Barangay ngayong 11am to 12nn with Mama Mama Belle LS ????

Posted by BARANGAY LS 97.1FM on Monday, September 11, 2017