WATCH: 'Daig Kayo Ng Lola Ko' tinupad ang dream role ni Gabbi Garcia | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa guesting ng Kapuso actress sa 'Talk To Papa,' nagkuwento si Gabbi tungkol sa episode niya sa 'Daig Kayo Ng Lola Ko,' at kung paano tinupad nito ang pangarap niyang maging sirena. 

WATCH: 'Daig Kayo Ng Lola Ko' tinupad ang dream role ni Gabbi Garcia

By AEDRIANNE ACAR

Excited ang Kapuso primetime star na si Gabbi Garcia sa guesting niya sa high-rating weekly fantasy series ng GMA-7 na Daig Kayo Ng Lola Ko na mapapanood sa darating na September 17.

WATCH: Kapuso childstars Will Ashley at Sofia Pablo spotted sa 'Sikat sa Barangay'

Sa guesting ng magandang dalaga sa Talk To Papa hosted by Papa Obet at Papa Marky, tinupad daw ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang pangarap niya na gumanap bilang isang sirena.

 

#daigkayonglolako

A post shared by Rico Gutierrez (@ricogutierrez) on

 

Kuwento ni Gabbi, “And sobrang nag-enjoy ako while tini-taping namin itong Daig. Siyempre parte pa rin ako sa tubig yun pa din talaga, tubig pa rin talaga… Isa akong sirena and sobrang dream come true sa akin maging isang sirena, napakahirap pala mag-taping na sirena ka, kasi binubuhat-buhat ka.”

Nagbigay din siya ng ilang detalye patungkol sa karakter niya na si Mariel.

Ayon sa kaniya, “Let’s just say na si Mariel medyo hindi siya kuntento sa kaniyang buntot. Gustong-gusto niya mag-explore sa mundo ng tao, so ayun dun na iikot ang istorya.”

Silipin ang buong panayam ni Gabbi Garcia sa Talk To Papa via Facebook Live last September 13.