WATCH: Meet the new Kapuso cutie, Aldrin Angeles
September 14 2017
May bago kayong aabangan na heartthrob sa bakuran ng Kapuso Network.
Personal na naka-chikahan kaninang umaga ni Mama Belle ang commercial model-turned-actor na si Aldrin Angeles sa guesting niya sa Sikat sa Barangay kung saan nakasama din niya ang StarStruck beauty na si Ayra Mariano.
WATCH: 'Daig Kayo Ng Lola Ko' tinupad ang dream role ni Gabbi Garcia
Paano ba nagsimula sa showbiz ang promising new talent na ito?
Kuwento niya, “Nag-start po ako sa Candy Magazine tapos dun po ako na-discover ng manager ko, then nag-commercial model ako. From then on nag-try ako mag-artista, so this is my first year bilang artista.”
Inisa-isa din ni Aldrin ang klase ng project na gusto ngniya gawin bilang aktor at game daw siya na gumanap na kontrabida sa isang soap.
“Siguro comedy po muna or tapos drama ganun… Masarap [kontrabida roles] siya pag-aralan kumbaga na character ganun.”
Balikan ang masarap na kuwentuhan kasama sina Ayra Mariano at Aldrin Angeles sa Sikat sa Barangay this Thursday morning.
Comments
comments powered by Disqus