WATCH: Paano nakilala at sumikat si Ashley Rivera bilang si Petra Mahalimuyak? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Naka-chikahan ni Mama Belle si Ashley at dito niya naikuwento kung paano siya nakilala bilang si Petra Halimuyak.

WATCH: Paano nakilala at sumikat si Ashley Rivera bilang si Petra Mahalimuyak?

By AEDRIANNE ACAR

Napuno nang tawanan at good vibes ang guesting ng Kapuso social media star na si Petra Halimuyak, kilala din as Ashley Rivera sa mundo ng showbiz, sa morning radio program ng Barangay LS na Sikat sa Barangay.

LOOK: All-star chikahan with Mama Belle

Naka-chikahan ni Mama Belle si Ashley at dito niya naikuwento kung paano siya nakilala bilang si Petra Halimuyak.

Alam n’yo ba, mga Kapuso, na nabuo ang mga viral videos niya bilang Petra dahil bored siya sa buhay niya sa Amerika.

Aniya, “Alam mo kasi marami kang naiisip 'pag bored ka eh. Eh nung time na ‘to when I started You Tube, that was 2011 ata 2010, mga ganun. Tapos kaka-move ko lang ng sa States, so siyempre wala kang makausap kundi sarili ko. So, dun na nag-start,”

“I move to the States to Las Vegas, Nevada and then I was working in a cellphone store, did not like my job very much. So on my day off I, would make videos and luckily it went viral.”

Ngayon, pinasok na ni Ashley Rivera ang mundo ng pag-arte. Matapos maging parte ng successful afternoon soap na Legally Blind kung saan bida si Janine Gutierrez ay napapanood naman siya sa primetime series ni Marian Rivera na Super Ma’am.

“Teacher ako dun. Teacher tapos friend ni Meg Imperial na nagmamaldita kay Super Ma’am.”

Balikan ang one-on-one interview sa Sikat sa Barangay ni Petra Halimuyak sa video below.