WATCH: Camille Canlas, grateful to 'Wowowin' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Taos-puso ang pasasalamat ng mestiza beauty na si Camille Canlas na nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang kanyang talent sa patok na game show ni Kuya Wil na 'Wowowin.'

WATCH: Camille Canlas, grateful to 'Wowowin'

By AEDRIANNE ACAR

Taos-puso ang pasasalamat ng mestiza beauty na si Camille Canlas na nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang talent niya sa patok na game show ni Kuya Willie Revillame na Wowowin.

WATCH: Paano nakilala at sumikat si Ashley Rivera bilang si Petra Mahalimuyak?

Sa guesting ni Camille kasama ang Super Ma’am star na si Vincent Magbanua sa Sikat sa Barangay this Tuesday morning, nagkuwento ito kung gaano kahalaga ang big break na ito para sa kaniya.

Aniya, “Yes I really want to be part of the Wowowin family and super thankful na naging co-host nila ako dun.”

Game din si Camille na pasukin ang mundo ng pag-arte at nagbigay siya ng halimbawa ng dream roles na gusto niya gampanan someday.

“Of course gustong-gusto ko po, it is my dream to act and face millions of people na hahanggaan ka.”

Dagdag niya, “Yung dream role ko is puwede din kontrabida, puwede din sweet-sweetan lang. Basta anything, basta into acting [ako].”

Tutukan naman si Vincent Magbanua sa inaabangan primetime series ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na Super Ma’am gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa nangungunang GMA Telebabad.