WATCH: Patricia Javier masaya na extended ang 'Haplos' hanggang 2018 | GMANetwork.com - Radio - Articles

May magandang balita ang sexy mom na si Patricia Javier para sa Kapuso fans na nakatutok sa high-rating afternoon series na 'Haplos.'

WATCH: Patricia Javier masaya na extended ang 'Haplos' hanggang 2018

By AEDRIANNE ACAR

May magandang balita ang sexy mom na si Patricia Javier para sa Kapuso fans na nakatutok sa high-rating afternoon series na Haplos na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino.

 

Im live here right now at #Barangay LS 97.1 with Mama Bel!

A post shared by Patricia Javier AKA Dj G-Love8 (@patriciajavier1) on

 

Sa guesting niya sa Sikat sa Barangay this Wednesday morning, nagkuwento ito sa role niya sa soap bilang Minda.

Dagdag niya na mas matagal pa natin makakasama ang cast ng Haplos, dahil hanggang next year ang kanilang airing sa telebisyon.

“Ako ‘yung mother dito ni Angela, si Angela ay si Sanya Lopez ang ating pong bida na talagang pinalaki ko talaga si Angela na maging mabait na bata, tapos parang nagmana siya sa akin.”

“And also thank you so much sa lahat po ng nanonood po at sumusuporta ng Haplos talagang I’m so happy alam mo kasi hanggang next year kami,”

Hindi rin daw dapat palagpasin ng televiewers ang mas lalong tumitinding eksena ng afternoon prime series, dahil sa daming twist na tiyak aabangan niyo tuwing hapon.

Saad ni Patricia, “Ang daming magiging twist talaga dahil talagang pinapaganda nila lalo ang istorya. So bale, abangan niyo po ‘yung proposal may ganiyan. Kung kanino magpo-propose si Rocco. Abangan nila yan.”

Panoorin ang full interview ni Patricia Javier sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.