WATCH: Bakit nag-volunteer si Janno Gibbs na sumulat ng theme song for My Korean Jagiya? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Special treat para sa mga Kapuso ang guest ni Mama Belle this Monday morning sa Sikat sa Barangay!

WATCH: Bakit nag-volunteer si Janno Gibbs na sumulat ng theme song for My Korean Jagiya?

By AEDRIANNE ACAR

Special treat para sa mga Kapuso ang guest ni Mama Belle this Monday morning sa Sikat sa Barangay!

 

 

Tune in to @barangaylsfm Silat Sa Barangay with #JannoGibbs @jannolategibbs and Mama Belle now!

A post shared by GMA Records (@gmarecords) on

 

Isa kasi sa pinakamalaking pangalan sa OPM industry ang naka-chikahan ng magaling na radio host. Ito ay walang iba kundi ang King of Soul na si Janno Gibbs.

Sa one-on-one interview ni Mama Belle kay Janno, naikuwento nito na siya ang nasa likod ng theme song ng primetime series nina Heart Evangelista at Alexander Lee na My Korean Jagiya.

Kuwento niya, “Itong ‘My Jagiya’ ako ‘yung mismong sumulat nito for the soap na My Korean Jagiya. And I’m singing with Denise Barbacena. First time ko to sing with her.”

Bakit naman kaya niya naisipan gawan ng kanta ang romcom series na ito?

Paliwanag ni Janno, “Usually kasi sa GMA it’s either humihingi sila ng song sa akin. Kino-commission nila ako ng work. For this one nag-volunteer ako, kasi nakita ko pa lang nung nagpo-post sila habang nagsta-start pa lang sila ng shooting, kita ko sa Korea sila nagsho-shooting with a Korean leading man.”

“So, nai-inspire ako gumawa ako ng song for them, nagustuhan naman nila.”

Muling balikan ang guesting ng King of Soul sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.