WATCH: Spicy Noodle Challenge, hindi inurungan nina Papa Ding, Papa Obet at Papa Marky | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kumasa ang tatlong DJs sa isang very hot challenge!

WATCH: Spicy Noodle Challenge, hindi inurungan nina Papa Ding, Papa Obet at Papa Marky

By LORETTA RAMIREZ

Isa na namang challenge ang hindi inurungan nina Papa Ding, Papa Obet at Papa Marky - ang "Spicy Noodle Challenge."

Sino nga ba sa tatlong papas ng Barangay LS ang mauunang umubos sa super hot na pancit?

Ani ni Papa Ding, "Pinaghandaan ko talaga ito, ginagawa kong merienda ang sili talaga. At everytime kumakain ako may sili, para ma-tolerate ko."

Si Papa Obet naman nagtataka kung bakit pa ginawang challenge ito. "Para kasi sa akin normal na ito eh. Parang pinagluto lang ako ng nanay ko ng pancit canton."

Si Papa Marky, wala masyasdong nasabi dahil inihahanda na palang niya ang kanyang sarili sa seryosong challenge ng Barangay LS.

Sino nga ba ang nanalo sa tatlo? At sino rin ang lumuha sa anghang? Panoorin ng malaman!