WATCH: Kanino raw kumuha ng inspirasyon si Nar Cabico para sa kaniyang kanta na 'Gaga?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa panayam ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay, ibinahagi ni Nar kung sino-sino ang naging inspirasyon niya sa kanyang bagong single.

WATCH: Kanino raw kumuha ng inspirasyon si Nar Cabico para sa kaniyang kanta na 'Gaga?'

By AEDRIANNE ACAR

Certified talented ang Kapuso star na si Nar Cabico dahil bukod sa pagiging aktor marunong din siyang sumulat at mag-compose ng kanta.

At ngayon, busy si Nar sa pag-promote ng kaniyang bagong single na ‘Gaga.'

Sa panayam nito kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay kahapon, October 16, ibinahagi ni Nar Cabico kung sino-sino ang naging inspirasyon niya sa kanyang single.

 

 

Nar Cabico before going live on Sikat Sa Barangay with Mama Belle on Barangay LS 97.1 to promote his latest single, GAGA.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Paliwanag niya, “Ito kasi, sinulat ko ‘to para sa mga kaibigan ko na you know lagi silang humihingi ng advice. Tapos parang ang dami nila masyado, sabi ko na lang sige gagawa na lang ako ng kanta para sa inyong lahat na mga gaga.”

Balikan ang kulitan at tawanan sa guesting ni Nar Cabico sa Sikat sa Barangay video below.