WATCH: Julius Miguel at Kelvin Miranda, todo kayod sa kanilang showbiz commitments | GMANetwork.com - Radio - Articles

Napakinggan ngayong Huwebes ng umaga sa morning radio program ni Mama Belle ang dalawang promising Kapuso teen actors na sina Julius at Kelvin.

WATCH: Julius Miguel at Kelvin Miranda, todo kayod sa kanilang showbiz commitments

By AEDRIANNE ACAR

Napakinggan ngayong Huwebes ng umaga sa morning radio program ni Mama Belle ang dalawang promising Kapuso teen actors na sina Julius Miguel at Kelvin Miranda.

Dito naka-one-on-one sila ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay kung saan inanyayahan nila ang mga Kabarangay na tutukan ang kanilang showbiz projects.

Tulad ni Julius na napapanood sa primetime series na Super Ma’am, nagpatikim ang guwapong binata sa mga dapat abangan at mga bagong character na mas lalong magbibigay kulay sa istorya ni Teacher Minerva.

Kuwento ni Julius, “Marami po talagang aabangan sa Super Ma’am lalo na marami pang exciting things na nangyayari ngayon. May mga bagong characters na papasok. 'Tsaka isa na po diyan si Conan Stevens, so abangan n’yo siya.”

Dagdag pa niya, “Siyempre maraming-maraming salamat din po sa walang sawa niyong suporta sa panonood ng Super Ma’am.”

Excited naman si Kelvin Miranda para sa kanyang horror movie kung saan makakasama niya ang Bubble Gang star na si Betong Sumaya sa ‘Haunted Forest.’

Ani Kelvin, “Abangan po natin ‘yung ‘Haunted Forest’ under po siya ng Regal, kasama ko po dito si Kuya Betong Sumaya at si Sir Raymart Santiago. Ang role ko naman po dito is anak po ako ni Sir Betong at isa po kaming faith healer. So pinaitim po ako dun sobra [laughs].”