WATCH: Spogify Singing Bae grand finalist Anthony Rosaldo promotes new hugot single in 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Isang certified hugot song ang bagong kahuhumalingan ng mga Kabarangay.

WATCH: Spogify Singing Bae grand finalist Anthony Rosaldo promotes new hugot single in 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Isang certified hugot song ang bagong kahuhumalingan ng mga Kabarangay, lalo na at ni-release ng former finalist ng Spogify featuring the Singing Bae na si Anthony Rosaldo ang kaniyang single.

WATCH: Julius Miguel at Kelvin Miranda, todo kayod sa kanilang showbiz commitments

Sa panayam sa Sikat sa Barangay this Wednesday morning, nagkuwento ang magaling na OPM singer tungkol sa tagos na puso niyang kanta na ‘I Would Give It All.’

Ani Anthony, “Yes I have a single it’s under Ivory music and video, it’s called ‘I Would Give It All.’ Isa po siyang makabagbagdamdaming love song, hugot na hugot ‘yan.”

Inusisa din ni Mama Belle sa morning radio program kung ano ba ang hinahanap ni Anthony sa dream girl nito.

Pero ayon sa guwapong binata, hindi daw niya priority as of the moment ang maghanap ng girlfriend.

Bakit kaya?

“As of the moment hindi ako naghahanap, pero kasi ‘yung mga tipo ko o dream girl ko eh ‘yung maalaga. Hindi masyado katangkaran, ayoko ng matangkad sakto lang. Gusto ko siyempre laging mabango, may sense of humor, matalino. 'Tsaka ‘yung uunawain kung ano ‘yung klase trabaho mayrun ako.”

 

 

WATCH: Spogify Singing Bae grand finalist Anthony Rosaldo, miss na magperform sa 'Eat Bulaga'