EXCLUSIVE: Papa Obet, iiwan na ba ang Barangay LS matapos pumirma ng kontrata sa GMA Records? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paano na ang 'Talk to Papa?'

EXCLUSIVE: Papa Obet, iiwan na ba ang Barangay LS matapos pumirma ng kontrata sa GMA Records?

By AEDRIANNE ACAR

Ilang tulog na lang at mapapakinggan na mga Kabarangay ang unang Christmas song ng Talk To Papa host na si Papa Obet sa darating na November 11.

 

Mapapakinggan ang radio premiere ng kanta na ‘Una Kong Pasko’ this Saturday sa Barangay LS 97.1 ganap na alas nuwebe ng gabi.

Sa bagong milestone na ito sa career ni Papa Obet, marami tuloy ang nagtatanong kung plano na ba nito na umalis sa Barangay LS at tutukan ang kaniyang singing career?

Hindi alam ng marami sumali sa Kapuso talent search na Protégé ang magaling na DJ taong 2011 kung saan ka-batch niya ang Bubble Gang star na si Denise Barbacena.

Pero paglilinaw ni DJ Obet sa exclusive interview niya sa GMANetwork.com, wala daw siya plano lisanin ang Barangay LS kahit pumirma siya ng kontrata sa GMA Records.

Wika niya, “Wala kasi ano eh siya ‘yung ugat ko. Di ba siya ‘yung nagdala sa akin dito, Wala-wala talaga. Maraming salamat sa [Barangay LS]”

At dahil kilala ang mga talents ng GMA Records para sa mga kanta nila na kinukuha bilang mga theme songs ng mga patok na Kapuso dramas, sinabi ni Papa Obet na willing din siyang sumulat ng mga kanta para sa mga ito in the future.  

Ani Papa Obet, “Wala problema, actually ‘yun ‘yung mas master ko magsulat nang mga teleserye na theme na mga ganung hagod. Mas okay sa akin ‘yun kasi lumaki ako sa 90’s.”