WATCH: Phytos Ramirez, ikinuwento ang kanilang 'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode ni Jak Roberto sa 'Talk To Papa' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nagpatikim si Phytos Ramirez sa magiging role nila ni Jak Roberto sa susunod na episode ng 'Daig Kayo Ng Lola Ko.'

WATCH: Phytos Ramirez, ikinuwento ang kanilang 'Daig Kayo Ng Lola Ko' episode ni Jak Roberto sa 'Talk To Papa'

By BY ADIE ACAR

Dapat abangan ng mga chikiting ang susunod na episode ng high-rating Kapuso weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko this Sunday night, November 19.

Mapapanood sa panibagong kuwento ni Lola Goreng ang dalawang guwapong Kapuso hunks na sina Jak Roberto at Phytos Ramirez.

 

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Ito na raw ang second time ni Phytos na mag-guest sa Daig Kayo Ng Lola Ko nang makapanayam sa afternoon radio program na Talk To Papa.

“Bale second time ko na po. ‘Yung first ko [ay] kasama ko si Miguel [Tanfelix] at si Bianca [Umali], parang robot naman ako roon.”

Nagpatikim din si Phytos sa magiging role nila ni Jak Roberto sa nasabing episode.

Aniya, “Bale rito si Jak [Roberto], parang napakalakas niya, kahit ano [ay] kaya niyang gawin. And ang role ko rito ay engkanto ako at nagseselos ako sa kaniya, kasi lahat ng babae [ay] may gusto sa kaniya.”

 “Dapat panoorin niyo sa Sunday na po ito ipapalabas," dagdag pa niya.

Panoorin ang buong panayam ni Phytos Ramirez sa Talk To Papa sa Facebook Live video below.