WATCH: BiGuel nagkuwento sa bago nilang pelikula na 'Barbi D' Wonder Beki!' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa Sikat sa Barangay para mag-promote ng kanilang pelikula.

WATCH: BiGuel nagkuwento sa bago nilang pelikula na 'Barbi D' Wonder Beki!'

By AEDRIANNE ACAR

Isang nakakakilig na umaga ang bumungad sa mga Barangay listeners ng Sikat sa Barangay, dahil napakinggan nila kanina, Nov. 16, ang Kapuso love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

 

Dito nag-promote ang dalawa ng bago nilang pelikula na Barbi D’ Wonder Beki na pinagbibidahan ni award-winning actor Paolo Ballesteros.

Nagkuwento ang BiGuel sa magiging role nila sa movie.

Kuwento ni Bianca, “Ako po dito ang pamangkin at nakakaramdam at nakakaalam ng totoong pagkatao ni Barbi na ginanapan ni Kuya Paolo Ballesteros.”

Gaganap namang kapatid si Miguel ng isang guwapong hunk sa Barbi D’ Wonder Beki.

“Ako naman po dito si Cyrus na kapatid ni Larry na ginanapan ni Kuya Ejay Falcon.”

Tiniyak ni Miguel Tanfelix na hindi basta-bastang comedy ang mapapanood nila sa November 29, dahil maraming kapupulutan ng aral din dito.

“Sana sabay-sabay po tayo manood sa November 29 napakaganda po na movie na ito, hindi lang ito basta comedy kundi may aral din kapupulutan.”

Dagdag pa ng guwapong binata, mayrun din silang bagong primetime series na aabangan ng mga Kapuso fans. “Mayrun din po kaming inihahandang primetime show, mga Kapuso.”