WATCH: Paano nabuo ang collaboration nina Aiai Delas Alas at EX Battalion sa kantang 'Walang Pinipili'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Special guest sa Sikat sa Barangay ang Comedy Queen of the Philippines na si Ms. Aiai Delas Alas kung saan nag-promote siya ng kaniyang bagong kanta under GMA Records na "Walang Pinipili."

WATCH: Paano nabuo ang collaboration nina Aiai Delas Alas at EX Battalion sa kantang "Walang Pinipili"?

By AEDRIANNE ACAR

Napuno ng tawanan ang Barangay LS radio booth ngayong Biyernes ng umaga (Nov. 24), dahil isang bigating bisita ang naka one-on-one ni Mama Belle.

LOOK: Ang mga sikat sa 'Sikat sa Barangay'

Special guest sa Sikat sa Barangay ang Comedy Queen of the Philippines na si Ms. Aiai Delas Alas kung saan nag-promote siya ng kaniyang bagong kanta under GMA Records na "Walang Pinipili."

Nagkuwento ito sa panayam niya with Mama Belle kung ano ang meaning ng kantang ito para sa kaniya.

Paliwanang ni Aiai, “Kasi ang pag-ibig daw ay walang pinipili, walang gender, walang age, walang maganda, walang pangit, walang malayo. Basta umibig ka 'di ba hindi mo mapipigilan and also wala naman 'yan, kumbaga walang pinipili na kahit ano. Basta 'pag tinamaan ka ng pag-ibig mo ‘yun ‘yung gusto mo. And ‘yun ‘yung gusto kong message sa kanila,”

May nakakatawa ding kuwento ang award-winning comedienne kung paano siya at ang EX Battalion ay nagtagpo para gawin ang nakaka-LSS na kanta na "Walang Pinipili."

Panoorin ang buong interview niya sa Sikat sa Barangay sa video below.