WATCH: Donnalyn Bartolome pressured tapatan ang success ng 'Kakaibabe?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa panayam ni Donnalyn sa Sikat sa Barangay with Mama Belle, inamin nya na nahirapan syang mag-isip kung paano niya papantayan ang kanyang past hits. 

WATCH: Donnalyn Bartolome pressured tapatan ang success ng 'Kakaibabe?'

By AEDRIANNE ACAR

Tinatawag na ultimate hugot song ng mga OPM listeners ang bagong kanta ng ‘Kakaibabe’ singer na si Donnalyn Bartolome na ‘Itatama Pa Ba o Tama Na.’

 

Sa panayam ni Donnalyn sa Sikat sa Barangay with Mama Belle, napapanahon daw ang kantang ito, dahil maraming nakaka-relate na mga tao sa kanta niya na naiipit kung mananatili sa isang relasyon o tatapusin na.

Paliwanag ni Donnalyn, “Eh paano kung magkahiwalay nga kayo sobrang hindi naman kayo okay di ba. Kumbaga pareho lang, tapos parang alam mo ang kailangan mo lang para mapaganda ‘yung buhay mo eh ang makita siya, makasama siya uli. Kaso nga lang pag magkasama kayo magkakasakitan kayo ganun. Yun kasi ang story ng ‘Itatama Pa Ba o Tama Na.’”

“Kaya nagkaroon ng ganung question kasi sa totoo lang madaming ganun eh. Madaming ganung sitwasyon ‘yung nasa gitna ka tapos hindi mo alam.”

Natagalan daw mag-release ng new single si Donnalyn Bartolome na aminadong nakaramdam ng pressure na mapantayan ang kaniyang past hits na ‘Kakaibabe’ at ‘Happy Break-Up song’ 

Kaya naman naisipan niyang gumawa ng single na mellow song na certified hit sa mga OPM lovers.

Aniya, “I was thinking kasi kung paano ko mapapantayan ‘yung iba kong songs. Ang hirap kasi mapantayan ng ‘Kakaibabe’ ng ‘Happy Break-up.’ So, parang ano ba?”

“So, I tried something different naman, mellow songs naman tapos ‘yung pagtanggap nila sa ‘Kakaibabe’ natumbasan pa or hinigitan pa niya actually. So masayang-masaya ako. Kasi noong naalala ko pino-promote ko ‘yung ‘Kakaibabe’ nun na everywhere, it didn’t reach as much in so little time than ‘Itatama Pa Ba or Tama Na’ reached.”