WATCH: Eunice of Gracenote, hindi makapaniwala na nakatrabaho nila si Chito Miranda | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nakapanayam ni Mama Belle ang banda sa Sikat sa Barangay. Panoorin ang buong interview. 

WATCH: Eunice of Gracenote, hindi makapaniwala na nakatrabaho nila si Chito Miranda

By AEDRIANNE ACAR

Nakakuwentuhan ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay kahapon, November 30, ang OPM band na Gracenote.

Bumisita sa Barangay LS radio booth sina Eunice, EJ, Tatsi, at Jazz para i-promote ang kanilang bagong single na ‘Bakit Ganyan Ka?’ na napasama sa Most Wanted Song of the week ng Kapuso radio station.

Sa panayam sa band vocalist na si Eunice, hanggang ngayon daw ay hindi pa sila makapaniwala na nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag-colloborate sa Parokya ni Edgar icon na si Chito Miranda.

Ani Eunice, “Actually nag-start siya nung sinusulat ko ‘yung song. Naririnig ko ‘yung boses ni Kuya Chito, tapos kinuwento ko lang siya kay Sir Darwin [na] parang bagay siya kay Kuya Chito. Pero hindi ako nag-expect kasi hindi ko talaga inisip na magkakatotoo siya.”

Dagdag niya, “Tapos nagulat na lang kami na ‘yun nga, na parang si Kuya Chito kinukuwento niya kay Sir Darwin na nagustuhan niya ‘yung Transparent album, tapos sobrang willing siya na mag-colloborate. Until now, hindi kami makapaniwala na kasama namin siya sa kanta na ito.”

Sobra daw accommodating ni Chito Miranda sa banda nila na niyaya pa silang bisitahin ang bahay niya sa Tagaytay kung saan doon daw nila mismo ginawa ang musical arrangement ng kantang ‘Bakit Ganyan Ka?’

“Sobrang spontaneous lang ‘yung nangyari, si Kuya Chito niyaya niya pa kami pumunta sa house nila mismo sa Tagaytay, as in inareglo namin ‘yung kanta dun mismo sa bahay nila. Ipinagluto pa kami ni Ate Neri [Naig],”

Panoorin ang kulitan ng Gracenote sa Sikat sa Barangay in the video below.