WATCH: Singer/dentist John Melo promotes his new Christmas single in 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Si John ang boses sa likod ng mga hit songs na ‘Ikaw Pa Lang Ang Minahal’ at ‘Hanap-Hanap Kita.’

WATCH: Singer/dentist John Melo promotes his new Christmas single in 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Bongga ang pagbabalik sa music scene ng OPM singer na si John Melo lalo na at may bago siyang Christmas-inspired single.

Si John ang boses sa likod ng mga hit songs na ‘Ikaw Pa Lang Ang Minahal’ at ‘Hanap-Hanap Kita.’

Nakamit din niya ang karangalan na Best Performance for a new male artist sa 1993 Awit Awards.

At hindi lamang ang music career ang namayagpag kay John, kundi pati na rin sa larangan ng medisina, dahil nakapagtapos siya ng kursong Dentistry taong 1994 sa Centro Escolar University.

Sa exclusive interview ni John sa Sikat sa Barangay, inamin niya na lubos ang kasiyahan niya na sa kaniyang 25th anniversary sa music ay nakapaglabas siya ng bagong kanta na isinulat ni Jimmy Borja.

Aniya, “I’m very happy at the same time kaya nga sabi ko matatapos na ‘yung December, sabi ko hindi ko man lang na-celebrate ‘yung 25th anniversary ko, then accidentally na-meet ko ‘yung one of the most famous composers in the Philippines [Jimmy Borja] with the hit song ‘Sana Ngayong Pasko,’ sang by Ariel Rivera.”

“And the great composer told me I have a song for you na maaring tapatan o higitan ang kantang ‘Sana Ngayong Pasko’ and the song is ‘Malapit na Ang Pasko.”

Panoorin ang full interview niya sa Sikat sa Barangay sa video below.