WATCH: Migo Adecer, nagsulat ng kanta para sa bago niyang soap na 'The One That Got Away' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita sa programa ni Papa Marky at Papa Obet sina Jason Abalos at Migo Adecer para i-promote ang kanilang bagong primetime soap na 'The One That Got Away.'

WATCH: Migo Adecer, nagsulat ng kanta para sa bago niyang soap na 'The One That Got Away'

By AEDRIANNE ACAR

Napuno nang kilig ang afternoon radio program na Talk To Papa, dahil nakasama nina Papa Obet at Papa Marky ang mga guwapong bida ng bagong romcom series na The One That Got Away.

 

Game na nakipagkulitan kasama ng mga Kabarangay DJs at listeners sina Jason Abalos at Migo Adecer ngayong Miyerkules, January 10 para i-promote ang kanilang show na ipapalabas na this January 15 sa GMA Primetime.  

Nagkuwento si Jason na ang karakter niyang si Gael ay malapit kung sa ano siya sa totoong buhay - kuwela na malayo sa usual karakter niya sa telebisyon na drama.

Ani Jason, “Siguro, hindi alam ng mga tao na medyo kuwela ako sa totoong buhay naging linya ko lang talaga drama. So, siguro itong pagiging Gael sa The One That Got Away (TOTGA) ay siguro puwede kong sabihin na ako lang ‘to sa totoong buhay.”

Isa namang composer ang role ni Migo Adecer sa The One That Got Away at may espesyal siyang sorpresa na dapat abangan ng mga Kapuso viewers, dahil may isinulat siyang kanta para sa kilig-serye na ito.

“Well ang gusto ko si Lovi Poe [sa soap], pero ‘yung tingin niya sa akin ay little brother lang.”

“Yung character ko din is composer so he loves to write music... Actually, nag-prepare na ako ng song for the teleserye just like pang-throw away lang.”