WATCH: Ex Battalion day sa 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Tinutukan ng mga Kabarangay ang Friday episode ng show ni Mama Belle dahil dalawang naglalakihang pangalan sa OPM industry ang special guests.

WATCH: Ex Battalion day sa 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

Tinutukan ng mga Kabarangay ang Friday episode ng Sikat sa Barangay ni Mama Belle dahil dalawang naglalakihang pangalan sa OPM industry ang special guests.

Nakasama ng listeners kanina ang Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas at ang sikat na hip hop group na Ex Battalion.

 

Bumisita sila para i-promote ang YouTube hit nilang single na Walang Pinipili na may mahigit sa 760,000 views na.

 

Game din sumagot ang Ex Battalion sa mga tanong ng netizens patungkol kung paano nabuo ang kanilang grupo. Ipinaliwanag din ni Aiai Delas Alas ang kuwento sa likod ng kanta na Walang Pinipili.

Ani Aiai, “Kasi yun ang gusto kong theme nung kanta namin na walang pinipili ang pag-ibig. Matanda, bata, istorya ng buhay ko.”

Panoorin ang buong panayam sa kanila sa Sikat sa Barangay sa Facebook Live video below.