Matt Evans excited sa panibago niyang simula sa GMA Network | GMANetwork.com - Radio - Articles

Natutuwa ang bagong Kapuso na sa simula ng taon ay may proyekto na ibinigay sa kanya ang GMA. 

Matt Evans excited sa panibago niyang simula sa GMA Network

By AEDRIANNE ACAR

Nakasama sa Talk To Papa ng mga Kabarangay listeners ang dalawa sa mga artista ng pinakabagong Kapuso primetime series na Sherlock, Jr. na sina Matt Evans at Kate Valdez kahapon, January 23.

 

Naka-one-on-one ng mga Radio DJs na sina Papa Obet at Papa Marky sina Kate at Matt na looking forward na mapanood ng mga Kapuso viewers ang kanilang soap starting next week.

Isa marahil sa natutuwa sa bagong project na ito ang former Kapamilya star na si Matt Evans na itinuturing na blessing this 2018 ang Sherlock, Jr.

Ayon sa kaniya, “Eh ito po excited na excited na at nakahabol po sa panibagong taon. Panibagong simula nga sabi nga nila, panibagong taon, panibagong simula, panibagong project kaya eto excited na excited.”

Nagkuwento naman ang Kapuso teen star na si Kate Valdez patungkol sa bago nilang soap.

“Tungkol po ito sa friendship, so yan mga beshie and ‘yung mayrung mga friends diyan na nami-miss natin and about sa pagpapahalaga rin sa isang relasyon at sa pagkakaibigan.”

Gaganap siya bilang stepsister ng Kapuso primetime hottie na si Ruru Madrid na si Jenny.

Ani Kate, “Ang karakater ko po dito ay si Jenny Nuñez ang stepsister ni Jack na gagampanan ni Ruru Madrid. Mabait naman po ako dito, hindi porket stepsister, eh masungit na.”

Balikan ang full interview nila sa Talk To Papa sa Facebook Live video below.