WATCH: Kristoffer Martin gutom sa kontrabida roles | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa pagbisita ng Kapuso actor sa 'Sikat Sa Barangay,' nagkuwento ito tungkol sa kanyang bagong single under GMA Records at ilang updates sa kanyang acting career. 

WATCH: Kristoffer Martin gutom sa kontrabida roles

By AEDRIANNE ACAR

Ni-reveal ng Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin na malaki ang naging impact sa kaniya ng role niya sa previous soap na Hahamakin Ang Lahat kung saan kapareha niya si Joyce Ching.

 

Pag-amin niya sa one-on-one interview niya kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay, na memorable ang role niya sa naturang Kapuso soap, dahil sobra daw siyang nakakarelate.

Paliwanag niya, “Yung Hahamakin Ang Lahat, ‘yung recent soap namin ni Joyce Ching. As Jun-Jun ako, kasi sobrang lapit sa akin nung karakter, kasi parang ako rin ‘yun eh. Pero wala akong anak [laughs]”

Dagdag pa niya na challenging din ang role niya sa Hahamakin Ang Lahat.

“Tsaka in a way na-challenge ako, kasi minsan nahirapan ako umalis doon mismo sa eksena kasi masyado kong nalalagay ‘yung sarili ko.”

Excited din daw gumawa si Kristoffer Martin ng kontrabida roles, kahit nali-linya siya bilang leading man.

“Gusto ko magkontrabida, try lang. Na-try ko na kasi ‘yung mga bad boy lang. Iba eh parang sobrang nagugutom pa kasi ako, parang dami ko pa rin gustong gawin in terms of acting.”

Huwag n’yo kakalimutan mga Kapuso na i-download ang bagong single ni Kristoffer na ‘Paulit-ulit’ under GMA Records sa iTunes at Spotify.

 

Finally it’s out! Paki pakinggan ng paulit-ulit please! Haha

A post shared by Kristoffer Martin Dangculos (@kristoffermartin_) on