WATCH: 'Shamrock' vocalist Marc Tupaz, inamin ang sikreto ng kanilang banda | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paano nga ba nagtagal ang bandang Shamrock ng 16 years sa industriya?

WATCH: 'Shamrock' vocalist Marc Tupaz, inamin ang sikreto ng kanilang banda

By AEDRIANNE ACAR

Naniniwala ang vocalist ng OPM band na Shamrock na si Marc Tupaz na ang pinakabago nilang album na ‘One Five’ ang pinakamagandang nagawa nila sa kanilang music career.

WATCH: Barangay LS DJ's sumabak sa 'Hayaan Mo Sila' dance craze

Sa one-on-one interview ni Mama Belle sa kanila this Wednesday morning, January 31, sinabi ni Marc na goal nila na sa bawat album na gagawin nila ay mag-i-improve sila bilang banda.

Aniya, “Ako ang palagi kong na-assess diyan is we would like our [or] I would like to think and believe na every album gets better, because over the years dapat naman we get better as artists. So, I would safely claim that this is our best album.”

Ibinahagi din ni Marc ang naging sikreto nilang apat na sina Nico, Harald, at Sam kaya tumagal ang pagsasamahan nila sa loob ng labing-anim na taon.

Kuwento ni Marc,“Kailangan siyempre pag awayan n’yo muna lahat para pagkatapos ng lahat deadma na lang.”

“Siyempre oo, parang ano yan parang may girlfriend eh. Kumbaga, para tumagal kayo kailangan sabihin n’yo ‘yung nararamdaman ninyo, mailabas n’yo na lahat.”