WATCH: Kris Bernal at Jason Abalos nagkuwento sa magiging role nila sa 'Magpakailanman' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Panoorin ang full interview nina Jason at Kris sa Talk To Papa nina Papa Obet at Papa Marky.

WATCH: Kris Bernal at Jason Abalos nagkuwento sa magiging role nila sa 'Magpakailanman'

By AEDRIANNE ACAR

Maaantig ang mga puso ninyo sa kuwentong handog ng Magpakailanman sa darating na Sabado ng gabi, February 3.

WATCH: 'Shamrock' vocalist Marc Tupaz, inamin ang sikreto ng kanilang banda

 

Featured ang mga sikat na Kapuso celebrities na sina Kris Bernal at Jason Abalos sa kuwento ni Gerald Cruz na nawalan ng alaala.

Sa exclusive na panayam ng dalawa sa Talk To Papa, nagpatikim si Kris sa kuwento na mapapanood sa weekly drama anthology this week.

Kuwento ni Kris, “Love story siya, simula pa lang makikita paano sila nag-meet, paano sila na-in love ‘yung parang opposites sila pero ano pa rin attracted pa rin sila sa isa’t-isa. At saka ‘yung feeling na parang, feel mo na ayaw mo siya pero deep inside parang nai-in love na pala ako.”

Para naman kay Jason malaking tulong daw para makapag-prepare siya sa Magpakailanman na makilala at maka-usap si Gerald na kaniyang gagampanan sa show.

Saad ng Kapuso actor, “Nandun ‘yung may totoong buhay na si Gerald andun, so lagi ko siyang tinatanong kung ano ba ginagawa niya ganun. Paano mo naalala? Sabi niya wala daw siya maalala, wala talaga. Ang ginagawa lang parang ‘yung mga kuwento sa kaniya ‘yun lang ‘yung mga [nalalaman niya],”

Panoorin ang full interview nina Jason at Kris sa Talk To Papa nina Papa Obet at Papa Marky in the video below.