WATCH: Ano ang sorpresa ni Jake Vargas para sa mga chikiting this Sunday night? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Silipin ang one-on-one interview kay Jake Vargas sa 'Talk to Papa.'

WATCH: Ano ang sorpresa ni Jake Vargas para sa mga chikiting this Sunday night?

By AEDRIANNE ACAR

Hindi ninyo dapat paglagpasin, mga Kabarangay, ang handog ng high-rating weekly magical anthology na Daig Kayo Ng Lola Ko this weekend, dahil tampok ang isang Kapuso heartthrob sa panibagong kuwento ni Lola Goreng.

WATCH: Kris Bernal at Jason Abalos nagkuwento sa magiging role nila sa 'Magpakailanman'

Tutukan ang pagganap ni Jake Vargas sa kuwento ni Jack at ang Mahiwagang Beanstalk, kung saan makakasama niya ang mga veteran stars tulad nina Pen Medina, Al Tantay at comedienne na si Candy Pangilinan.

Sa guesting ni Jake sa Talk To Papa this Friday afternoon, February 2, nagkuwento pa siya sa mga dapat abangan sa episode nila sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Heto ang pasilip sa one-on-one interview sa kaniya nina Papa Obet at Papa Marky sa video below.