WATCH: New girl group Japh Dolls visits 'Sikat sa Barangay' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bumisita ang mga talented Fil-Japanese ladies ng Japh Dolls sa Sikat sa Barangay.

WATCH: New girl group Japh Dolls visits 'Sikat sa Barangay'

By AEDRIANNE ACAR

May bago kayo iidolohin na girl group mga Kabarangay na tiyak kagigiliwan ninyo.

Bumisita ang mga talented Fil-Japanese ladies ng Japh Dolls na binubuo nina Riyo, Runa, Risa, Rika at Rei kaninang umaga, February 5 sa Sikat sa Barangay.

LOOK: Best of the best in 'Sikat sa Barangay' this January

Nag-promote ang grupo ng kanilang first single na "Magdamagan" under Viva Records.

Tungkol saan kaya ang kanta nila na ito?

Ayon kay Runa, “'Yung song po namin na ‘yun para siya sa mga taong inspired and in love na kapag kausap mo ‘yung taong gusto mo or crush mo hindi mo napapansin na lumilipas na pala ‘yung oras habang kausap mo siya.”

Silipin ang kuwentuhan at kulitan ng Japh Doll sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below: