WATCH: Julie Anne San Jose ibibida ang mga original niyang compositions sa bagong album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bisita si Julie Anne San Jose sa Sikat sa Barangay this Tuesday morning, February 6 at nagkuwento ito patungkol sa single niya na  "Nothing Left."

WATCH: Julie Anne San Jose ibibida ang mga original niyang compositions sa bagong album

By AEDRIANNE ACAR

Balik recording ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose lalo at patok ang kaniyang bagong single under Universal Records.

WATCH: 'Shamrock' vocalist Marc Tupaz, inamin ang sikreto ng kanilang banda

Sa panayam ni Julie Anne San Jose sa Sikat sa Barangay this Tuesday morning, February 6, nagkuwento ito patungkol sa single niya na "Nothing Left."

 

“This is under Universal Records. Bale ito po ‘yung aking first single sa aking first album din under Universal Records. So, I’m really, really excited… And sobrang masaya po ako na nagustugan ninyo ‘yung track. It was written by Marcus Davis. Bale first time ko rin maka-work siya,”

Aabangan din ng mga loyal fans ni Julie Anne ang dalawang original compositions niya na ang isa ay nai-record na niya.

Aniya, “And hopefully makasulat ako ng iba pang kanta, pero nagsusulat naman po ako ng iba pang kanta. I’ve been trying to write songs and I just recorded actually yesterday (February 5) one of my compositions also. So may dalawa po akong compositions sa album ko isang Tagalog, ‘yung isa English.”

Mahigit 10 years na sa showbiz ang Kapuso singer at marami daw memorable moments na siyang ipinagdaanan sa tinagal niya sa entertainment industry.

Saad ni Julie, “Madami-madami rin po eh and you know like madarami na rin po ako natutunan sa industry na ito and of course I’ll never stop making music.”

Watch Julie Anne San Jose’s full interview in Sikat sa Barangay below.