EXCLUSIVE: Papa Bol ibinahagi ang kaniyang achievement bilang 'Wanted Sweetheart' host | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kamusta na si Papa Bol isang taon matapos siyang humalili bilang host ng radio dating show na 'Wanted Sweetheart?' Alamin!

EXCLUSIVE: Papa Bol ibinahagi ang kaniyang achievement bilang 'Wanted Sweetheart' host

Isang taon matapos ianunsyo ng Radio GMA na siya ang hahalili sa puwesto na iniwan ni Papa Dan bilang host ng Wanted Sweetheart, lubos ang saya ni Papa Bol na maganda pa rin ang takbo ng high-rating radio program na kaniyang pinangungunahan.

EXCLUSIVE: Meet the new dream boy of 'Wanted Sweetheart'

Lumipad papuntang Australia si Papa Dan para makasama ang kaniyang girlfriend noong 2017 habang ang dream boy mula General Santos City na si Papa Bol ang napiling humalili sa iniwan niyang post.  Di naglaon ay napamahal sa mga FM listeners sa Mega Manila si Papa Bol bilang bagong mukha ng mas pinakilig at pinalakas na flagship program ng Barangay LS sa gabi.

Sa exclusive interview ni Papa Bol sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang ilan sa maituturing niyang achievements bilang Wanted Sweetheart host.

Aniya, “First three months ng programa natanggal ko na ‘yung tono ko na Bisaya. So, that’s good 'di ba! So, every month nagiging exciting and exciting, lalo na nung matapos ‘yung taon (2017), which is parang regalo ng programa sa akin or my one year is ‘yung first couple ko na talagang nagkatuluyan pumunta ng station.”

“So parang achievement na rin na nagawa ko ‘yung buong taon na ‘yun ng Wanted Sweetheart na may nagkatuluyan, so ‘yun ‘yung pinaka-proud moment ko.”

Nakabuo din siya ng masayang samahan kasama ang iba pang Barangay LS DJs lalo na kay Papa Carlo na katulad niya ay marunong mag-Bisaya.

Kuwento niya, “Siyempre ang mga kakulitan ko lagi diyan si, well lahat naman sila close ko, pero siyempre lagi ko nakakasama si Papa Carlo, kasi magkasunod kami ng programa. The best thing pa is parehas kami Bisaya, so talagang nagkaka-intindihan kami,”

Malaking pressure para kay Papa Bol na sundan ang legacy ni Papa Dan. Idagdag pa ang challenge na mag-rate ang FM show niya at lumaban sa katapat nitong programa.

Pero hindi ito iniisip ng hunky DJ at mas binibigyan halaga nito ang pagmamahal at positive feedback ng kaniyang mga avid listeners.

“Well kung pressure lang sa ratings ang pag-uusapan, siyempre nandiyan lagi 'yan. Pero once na ang target mo is mapasaya ‘yung tao, well ano man ang maging ratings mo as long na nakakaramdam ka ng love from the people that’s the best thing about it.”

Catch Papa Bol, weeknights Mondays-Fridays, from 9PM-12AM on the radio dating show Wanted Sweetheart.