EXCLUSIVE: Former 'That's Entertainment' dancer Janna Chuchu, pinakabagong Barangay LS disk jock | GMANetwork.com - Radio - Articles

Magdadagdag ng ngiti at kulay sa Barangay LS 97.1 ang ‘Walang Siesta’ host na si Janna Chuchu, dahil ipinakilala na siya bilang pinakabagong host ng 'Balita sa Barangay' at 'Oldtime, Goodtime.'

EXCLUSIVE: Former 'That's Entertainment' dancer Janna Chuchu, pinakabagong Barangay LS disk jock

By AEDRIANNE ACAR

Magdadagdag ng ngiti at kulay sa number one FM station ng bansa ang ‘Walang Siesta’ host na si Janna Chuchu, dahil ipinakilala na siya bilang pinakabagong disk jock ng Barangay LS 97.1.

Bago maging radio host, dating dancer sa That’s Entertainment si Janna Chuchu.

Pinasok naman niya ang pagiging entertainment writer sa mga pahayagan taong 2002 at naging talent manager din.

Nang mabakante ang position nang isa sa mga co-host ni Master Showman Kuya German “Germs” Moreno sa Walang Siesta sa DZBB ay binigyan siya ng pagkakataon ng legendary star maker na maging radio host at kinalaunan ay naging mainstay na sa AM radio program.

Sa exclusive interview ni Janna sa GMANetwork.com, nagkuwento ito sa mga naging adjustment niya na mapasama sa Barangay LS.

Kuwento niya, “Mayrun kasi nga sabi natin iba ‘yung sa DZBB, iba ‘yung sa Barangay LS eh. Sa DZBB anchor, kumbaga medyo kakaiba sa pagiging DJ.”

“Pag sinabi mo kasing DJ iba ‘yung expectations. Sa amin kasi di ba sa DZBB more on news lang, diri-diretso di ba na parang ‘yun naman kasi ‘yung forte ko news, kasi nga nagsusulat, writer sa online and then sa newspaper,”

Marami din siya dapat pag-aralan bilang DJ nang Balita sa Barangay every Saturday at Oldtime, Goodtime tuwing Linggo.

Aniya, “Kailangang may research na like ‘yung every Saturday namin ‘yung Balita sa Barangay.”

EXCLUSIVE: Papa Bol ibinahagi ang kaniyang achievement bilang 'Wanted Sweetheart' host

Hindi naman daw siya nanibago sa mga kasama niya sa Kapuso FM station, dahil bago pa man siya nakapasok ay kakilala na niya ang ilan dito tulad ng Sikat sa Barangay host na si Mama Belle.

“Nung DZBB pa ako ang lagi kong nakakausap si Mama Belle, oo kasi during that time kasi is ‘yung ibang artist ko nag-gi-guest dun [Sikat sa Barangay].”

Dapat din daw i-expect nang mga Kabarangay listeners ang mga juicy blind items at mga music trivia sa kaniyang mga show every weekend.

“More chika, pasabog na blind item at ang koneksyon, music connection nung mga local singers natin noon at kung ano ba ‘yung ginagawa nila ngayon. And, ano ba ‘yung mga hit songs nila ‘yun kapag every Sunday. Pero pag Saturday, ‘yun nga more chika, pasabog na blind items, mga latest blind items na talaga namang nasungkit naten.”

Tumutok sa Balita sa Barangay with Janna Chuchu and Chikotito tuwing Sabado at samahan sila ni Papa Ding sa patok na Oldtime, Goodtime every Sunday!