Pancho Magno, nagkuwento tungkol sa kanyang bagong buhay may-asawa | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matapos ang dalawang buwan mula nang ikasal si Pancho kay Max Collins, kamusta na kaya ang kanilang buhay may-asawa?

Pancho Magno, nagkuwento tungkol sa kanyang bagong buhay may-asawa

Matapos ang dalawang buwan mula nang ikasal si Pancho Magno kay Max Collins ay ibinahagi nito ang kanyang bagong buhay may asawa.

Nang bumisita si Pancho sa programang Walang Siesta ng dzBB ay sinabi nitong hindi naman ganun kalaki ang pagbabago sa kanyang buhay mula ng siya’y ikasal.

Feel na feel na nga raw niya ang pagiging padre de pamilya dahil maging ang mga gawaing pambahay ay siya na ang gumagawa nito.

“Enjoy hindi naman ganuong kalaki ang pagbabago simula ng kami’y ikasal”

“Ako ang nagpapalit ng bumbilya sa bahay, bumibili ng para sa bahay, nag-aayos ng bidet ginagawa ko na, nagluluto sa bahay kasi si Max manti-mantika lang kayang lutuin nun” lahad ng Kapuso hunk actor.

Hindi naman daw sila nagmamadali ni Max na magkaruon ng anak, isa raw itong bagay na dapat nila paghandaan.

 “It’s a very uhm… I mean kailangan namin itong paghandaan like for a month.”

“We’re planning to do it next year, sana nga cute eh pero malamang cute, sobrang cute ‘yun” sambit ng aktor.

Dahil huling linggo na ang Haplos sa susunod na linggo ay marami pa raw ang dapat abangan sa ginagampanan niyang karakter bilang si Benedict.

“Iniimbitahan ko kayo na patuloy suportahan ang Haplos, magugulat kayo sa mga susunod pang mangyayari.”

“Abangan niyo kung ano ang gagawin ni Benedict dahil sobrang love niya si Angela (Sanya)”

Malungkot pero masaya raw si Pancho sa pagtatapos ng Haplos.

Nagpapasalamat ito dahil mababait at propesyunal ang kanyang mga nakatrabaho.

“Okey yung Haplos, magaling, maganda dahil puro action, iba ang experience namin dun” pagtatapos ng actor.