LJ Reyes, pabor sa same sex marriage | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sumalang sa panayam sa programang 'Walang Siesta' si LJ Reyes at binanggit niya dito ang kanyang saloobin sa same-sex relationship. Basahin!

LJ Reyes, pabor sa same sex marriage

Sa kabila ng busy schedule ni LJ Reyes dahil sa kanyang paparating na teleseryeng ‘The Cure’ ay game na game pa rin siyang nakipagkulitan sa number one AM radio program na 'Walang Siesta' ng Super Radyo dzBB.

 

 

Pero bago ang 'The Cure,' mapapanood muna si LJ sa GMA Drama Anthology program na 'Magpakailanman' ngayon February 24 at gaganap siya bilang lesbian for the first time!

Ayon sa Kapuso actress, medyo natakot nga ito noong una dahil baka hindi niya mabigyan ng justice ang karakter pero nakatulong naman daw ang kanyang kasamang si Chynna Ortaleza na gumanap noon bilang Butch sa 'The Rich Man’s Daughter.'

“Short preparation siya, nakatulong si Chynna kasi nag-play na siya ng lesbian sa 'The Richman’s Daughter,' so nagkukuwentuhan kami kasi mayroon silang case study. Ako rin may mga kaibigan akong miyembro ng LGBTQ at may time din sila Chynna na mag-research at immersion at nakatulong talaga 'yung kuwento niya, ‘yung mga key information” saad ni LJ.

Sa pagganap niya bilang isang lesbian ay mayroon din daw napagtanto ang napakagandang hot mom.

“Alam mo isa sa na-appreciate ko… I thought hindi ako familiar with how they [LGBTQ] fall in love, pero bilang lesbian parang same, same tayong lahat kung paano tayo ma-in love talaga. Ang pagmamahal universal language talaga s’ya. Hindi iba. Kung ano 'yung love na nararamdaman ko ‘yun din ang love na nararamdaman nila’ dagdag pa ni LJ.

Bukod kay Chynna, makakasama din ni LJ sa Magpakailanman ngayong Sabado si Tonton Guttierez.

Ang naturang episode ay pinamagatang “Anak sa Kasinungalingan,” sa direksyon ni Don Michael Perez, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

“Ang kuwento nito ay isa s'yang babae na talagang medyo sawi s'ya sa pag-ibig towards the opposite sex, tapos uhm na-in love sya doon sa naging best friend n'ya. Pero eventually naging together sila tapos meron silang inampon tapos ‘yun ‘yung anak sa kasinungalingan. So, abangan na lang nila kung bakit. It’s a story about relationships, family, friendship, at forgiveness, acceptance. ‘Yun. Madami, madaming lesson na mapupulot.”

Samantala, matapang namang sinagot ni LJ ang kontrobersyal na segment ng Divadingdings hosts na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu na Havey o Waley. Basahin ang naging sagot ng aktres sa mga tanong.

Q: LJ, Nagtaray ka na ba? o naranasan mo na bang magtaray sa iyong katrabaho?

A: Havey agad. Havey.

Q: LJ, naranasan mo na bang i-chismis ang iyong kasama sa trabaho?

A: Waley

Q: Naranasan mo na bang ma-in love sa iyong katrabaho?

A: Itatanong pa ba? Havey!

Q: LJ, naging baliw ka na ba sa pag-ibig?

A: Havey na nga.

Q: LJ, sinuway mo na ba ang iyong mga magulang, mga kaibigan para sa lalaking iyong natitipuhan?

A: Havey. Ano ba 'to?

Q: Nagbigay ka na ba ng mamahaling regalo sa iyong naging karelasyon o boyfriend?

A: Havey

Q: Eto na! LJ, noong wala ka pang Paolo Contis, nagkaroon ba ng posibilidad na na-in love ka sa kapwa mo babae?

A: Waley…

Q: Kung ma-in love ka sa isang babae, handa mo bang ipakilala s'ya sa buong mundo?

A: Havey! Oo naman, in love ka nga eh.

Q: Pabor ka ba sa same sex marriage?

A: Havey