'Dobol A sa Dobol B' anchor, Arnold Igan Clavio, pinarangalan sa Gawad Bagani | GMANetwork.com - Radio - Articles

Congratulations, Igan!

'Dobol A sa Dobol B' anchor, Arnold Igan Clavio, pinarangalan sa Gawad Bagani

Pinarangalan ng University of the East-Caloocan ang kapusong si Arnold Clavio.

 

 

Kabilang si Igan sa mga personalidad na tumanggap ng parangal sa taunang Gawad Bagani sa Komunikasyon Awards ng unibersidad.

Ginawaran siya ng Gawad Bagani sa Komunikasyon Award para sa Radio Category, dahil ‘yan sa kanyang nag-aalab na damdamin para sa responsableng pamamahayag.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na tumanggap si Clavio ng naturang pagkilala.

Una siyang ginawaran ng Gawad Bagani sa Komunikasyon Award noong 2015.

Maliban kay Igan, ginawaran din ang Kapuso na si Mel Tiangco ng Gawad Bagani sa Komunikasyon Award para sa Television Category.

Congratulations Kapuso!