WATCH: TJ Monterde, inspiradong sumulat ng hugot songs | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ibinahagi ng OPM heartthrob na si TJ Monterde ang inspirasyon niya sa tuwing sumusulat ng mga sad or hugot songs sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: TJ Monterde, inspiradong sumulat ng hugot songs

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi ng OPM heartthrob na si TJ Monterde ang inspirasyon niya sa tuwing sumusulat ng mga sad or hugot songs sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Prince Villanueva at Ayeesha Cervantes kumasa sa challenge ni Mama Belle sa 'Sikat sa Barangay'

Sa one-on-one interview niya kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay last February 28, nagkuwento siya patungkol sa second single niya sa bago niyang album na "Kahit  Kunwari."

Aniya, “Mayroon akong single, it’s called "Kahit Kunwari".. Ito ‘yung aking pangalawang kanta from the "Kahit Kunwari" album mismo. Ito ‘yung pangalan ng album kasi medyo espesyal sa akin itong song na ‘to. Pero masakit ito, masakit na kanta. Masaya ‘yung una.”

Amindo si TJ na masarap gumawa ng mga malulungkot na kanta at nagiging source of inspiration niya ang kaniyang mga kaibigan sa tuwing susulat ng isang hugot single.

“Kasi ‘yung kuwento niya kasi mayroon akong kaibigan na biglang nag-share. Kasi ako ngayon okay kasi ako eh, sobrang masaya ‘yung puso ko tapos eh masarap magsulat ng masasakit na kanta lalo na 'pag hating gabi tapos nasa piano ka lang, [ang] sarap-sarap magsulat. Sa mga kaibigan ako humuhugot, kumukuha ng mga kuwento,” bahagi niya.

Balikan ang buong panayam ni TJ Monterde sa Sikat sa Barangay sa Facebook video below.