WATCH: Sinong Kapuso hunk ang kumanta ng theme song ng 'Fight For My Way'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Paulit-ulit ninyong mamahalin ang bagong single ni Kristoffer Martin

WATCH: Sinong Kapuso hunk ang kumanta ng theme song ng 'Fight For My Way'?

By AEDRIANNE ACAR

Nakaka-last song syndrome ang official theme song ng patok na Kapuso Koreanovela series na Fight For My Way na nagpapakilig sa mga televiewers gabi-gabi.

WATCH:  There's more reason to smile with One Up boyband

Ang single "Paulit Uulit" ay kanta ng former Tween Hearts star na si Kristoffer Martin na under GMA Records.

Sa panayam ng Kapuso actor sa Sikat sa Barangay this Friday morning, naikuwento nito ang kahulugan ng kilig song na ito.

 

Aniya, “’Yung song kasi kumbaga paulit-ulit mo talagang mamahalin ‘yung taong mahal mo. Paulit-ulit mong pagsisilbihan siya, parang ganun ‘yung pinaka-essence nung kanta. Parang no matter what happens [mamahalin mo pa rin].”  

Balikan natin ang mga na-miss ninyong moments sa guesting ni Kristoffer Martin sa Barangay LS sa Facebook video below.