WATCH: Newbie actress Reese Tuazon, ramdam ang pressure na maging host ng online show na 'Thousanaire' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Muling balikan ang radio guesting ng 'Thousanaire' host na si Reese Tuazon.

WATCH: Newbie actress Reese Tuazon, ramdam ang pressure na maging host ng online show na 'Thousanaire'

By AEDRIANNE ACAR

Magandang blessing para sa Kapuso newbie actress na si Reese Tuazon ang pagkakataon na maging host ng pinakabagong GMA Online exclusive show.

Prinsesa Rosa of 'Daig Kayo Ng Lola Ko' captures hearts of netizens

Matapos na mag-guest sa ilang mga GMA programs tulad na lang ng Daig Kayo Ng Lola Ko at Magpakailanman, umarangkada ang career ni Reese this 2018 nang mapiling host ng Thousanaire.

Sa one-on-one interview ng magangdang aktres sa Talk To Papa this Friday afternoon (March 2), sinabi nito ang pagkakaiba ng Thousanaire sa ibang online shows.

Saad niya, “It’s actually very real, hindi siya scripted. Wala siyang script like everything that I said was just coming out from my mouth. And like you said it’s very interactive in such a way na ako mismo pwede akong sumagot sa mga inquiries nila, sa mga suggestions and comments nila.”

Pero hindi rin maiwasan ng model/actress na makaramdam ng pressure sa pagiging online host.

Pag-amin ni Reese, “Kinakabahan ako because lumabas na ‘yung kay Boobay and Tekla and ‘yung kay Joyce Pring at ang daming nanood. So in a way kinakabahan ako kasi ‘yung pressure kung may manonood kaya kasi no one knows me pa naman that much in the industry...So parang there’s a challenge [to] invite people to watch that.”

Reese Tuazon named as host of new GMA online show, 'Thousanaire'

Catch Reese Tuazon in Thousanaire every Friday, 5PM. The episode will be uploaded to the official website of GMA Network and its official YouTube account.