Katrina Halili at Megan Young, totoong nagkakasakitan sa set ng 'The Stepdaughters?' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Maraming maiinit na eksena ang dalawang Kapuso actress sa 'The Stepdaughters,' kaya naman maraming nagtatanong kung nagkakasakitan na nga ba ng totohanan ang dalawa sa set.

Katrina Halili at Megan Young, totoong nagkakasakitan sa set ng 'The Stepdaughters?'

 

 

Ibinahagi nina Katrina Halili, Megan Young, Mikael Daez at Sef Cadayona sa number one AM radio program na 'Walang Siesta' ng Super Radyo dzBB kung paano nila ginagawang makatotohanan ang bawat maiinit na eksena at tapatan nila sa pinakabagong afternoon prime series na The Stepdaughters.

Ayon kay Katrina, puro away ang mga eksena nila ni Megan kaya may mga pagkakataon na nadadala sila at hindi maiwasan na magkasakitan kahit wala ito sa script.

“May natamaan ng pitcher, Wala ito sa blockings ha, ako ang may kasalanan.”

“Binuhusan ko siya ng tubig kasi sabi, buhusan ko sya ng tubig. Hawak ko 'yung pitcher kasi syempre wala ng laman 'di ba. E aawayin ko sya, ‘pag hagis kong ganun, sumama yung pitcher, tumama dun sa tuhod—dun sa matigas, sa may buto, sa may leg” saad ng aktres.

Dahil parehong nadala ang dalawang aktres sa kanilang eksena, hindi na daw namalayan at naramdaman ni Megan ang pitcher na tumama sa kanyang binti.

“Kasi 'di ba pag gumagawa ka ng mga fight scenes o kahit galit kayo, 'di ba hindi nyo na alam 'yun. Di mo na nararamdaman na kinurot kita—hindi niya alam na kinukurot ko sya pag nakakalapit siya” dagdag pa ni Katrina.

Ayon naman kay Megan, “Hindi ko nafi-feel. Kasi in-the-zone ako... Galit din ako nung mga times na yun.”

Sa kabila ng makatotohanan na pagganap nina Megan at Katrina sa kanilang mga fight scenes, sinisigurado pa rin daw nilang dalawa na pagkatapos ng bawat eksena ay kakamustahin at sisiguraduhin na maayos ang kalagayan ng isa’t isa.

Ang The Stepdaughters ay kuwento ng dalawang babae na maghahati sa lahat ng bagay kabilang na ang career, pamilya at taong minamahal.

Samantala, matapang naman na sinagot nina Katrina, Megan, Mikael Daez at Sef Cadayona ang kontrobersyal na segment ng Divadingdings hosts na sina Tootie, Mega Ohlala at Janna Chuchu na Havey o Waley. Basahin ang kanilang mga naging sagot sa mga tanong.

Q: Halimbawa, pagod na pagod na kayo sa trabaho-- sunod sunod ang taping, nag workout ka pa. Naranasan nyo na ba na tamarin pumasok sa trabaho?

Sef: Havey.

Katrina: Havey. Syempre minsan pagod. Pero syempre kailangan, mag work pa din. Naiisip lang naman.

Megan: I love GMA. Havey.

Mikael: Boss FLG, sana di ka nakikinig pero... havey!

Q: Naranasan nyo na bang pag chismisan ang hindi nyo feel na katrabaho sa set?

Sef: Waley.

Katrina: Havey ba o waley? Di ko alam e, gitna.

Megan: Magpakatotoo na tayo, havey.

Mikael: Oo naman! Havey.

Q: Naranasan nyo na bang makipagtalo sa isang director dahil 'di nyo feel ang gusto nyo sa isang eksena?

Sef: Ay ako, proud ako. Waley!

Katrina: Waley. Waley din.

Megan: Waley. Kasi hindi ako nakikipag-away, nakikipag-usap ako.

Mikael: Waley. Waley din.

Q. Naranasan nyo na bang suwayin ang inyong mga magulang dahil hindi nila bet ang minamahal nyo?

Sef: Havey!

Katrina: Havey. Nung kabataan.

Megan: Waley.

Mikael: Havey! Yun 'yung default mood ng parents ko e.

Q: Kayo ba ay pabor sa live-in muna bago kasal?

Sef: Waley. Gusto ko muna kasal.

Katrina: Waley.

Megan: Siguro sakin, waley. Pero siguro depende din sa tao yun.

Mikael: Waley.

Q: Naranasan nyo na ba magmakaawa sa taong mahal nyo na ayaw na sa'yo?

Mikael: Waley.

Megan: Ako, havey.

Katrina: Havey. Nung bata pa.

Sef: Naku po! Havey!

Q: Nag-away na ba kayo ng kapatid mo dahil sa inggit?

Sef: Waley. Wala akong kapatid e.

Katrina: Waley.

Megan: Waley.

Mikael: Sharing is caring. Waley!

Q: Pasaway ka bang son or daughter?

Sef: Havey.

Katrina: Havey. Nung kabataan.

Megan: Havey! Pero di naman bad. Pasweet lang.

Mikael: Havey na havey na havey!

Q: Naranasan mo na bang maging kaagaw ang iyong kapatid sa love life o sa ibang aspeto ng buhay?

Sef: Wala akong kapatid, waley.

Katrina: Waley.

Megan: Waley.

Mikael: Wala. Hindi kalaban, kasabwat.