WATCH: Gaano katagal sinulat ni Marion Aunor ang latest single niya na 'Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Ang bagong kanta ni Marion Aunor ay inspired by the couples na umibig ngunit nagkahiwalay din in the end.

WATCH: Gaano katagal sinulat ni Marion Aunor ang latest single niya na "Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko"?

By AEDRIANNE ACAR

Special guest sa Sikat sa Barangay this Tuesday morning ang OPM singer na si Marion Aunor, para i-promote ang first tagalog song na kaniyang isinulat.

WATCH: Kapuso cuties Hiro Peralta and Xyruz Cruz play "Three Things" challenge in Sikat sa Barangay

Nilikha ng magaling na singer ang theme song ng pelikula na “Pambansang Third Wheel” na “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko”.

Paano kaya nabuo ang hugot single na ito ni Marion?

Kuwento niya, “Very first na Tagalog composition ko siya, dahil sa previous years laging English po ‘yung nasusulat ko. Pero ngayon, naisulat ko po ito dahil sa movie na 'Pambansang Third Wheel.'"

Dagdag ni Marion, “Bale ang ginawa po nila pinapanood po nila sa akin ‘yung movie ng wala pang music, tapos sinabi nila na magsulat ka ng something na babagay sa story or something like that… Nakasulat po ako ng song mga two days after, sinulat ko pa ‘yung 'Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko'."

Perfect song daw ito ayon kay Marion para sa mga couples na nagkahiwalay na.

Aniya, “Bale ang story nito medyo para sa mga umibig, tapos nagkahiwalay kayo. Pero at the end of the day siya pa rin ‘yung pipiliin mo.”

Panooring ang full interview ni Mama Belle kay Marion Aunor sa Facebook Live video below.