WATCH: Chill time with dancer-commercial model Mark Baracael
March 14 2018
Flying solo na ang dating member ng boy group na Upgrade na si Mark Baracael.
Kung pamilyar ang guwapong binata sa inyo mga Kabarangay, ito ay dahil na-feature na si Mark sa ilang commercials ng mga kilalang brands.
Sa exclusive interview ni Mark Baracael sa Sikat sa Barangay with Mama Belle this Wednesday morning, tinanong siya ni Mama Belle kung ano ang pakiramdam niya na isa na siyang solo artist.
Kuwento ni Mark, “Para po sa akin parang mas magaan ‘yung solo ka lang, ‘yung solo mo ‘yung ginagawa mo. ‘Yung mas nakakapag-focus ka po, pero dun sa may mga group naman okay din naman po ‘yung may mga ganun.”
Dagdag pa ng commercial model, gusto din niya pasukin ang mundo ng pag-arte sa mga teleserye o movies.
“Yung goal ko po, gusto ko mag-acting na sa mga movies o teleseryes ganun.”
Comments
comments powered by Disqus