Kiko Estrada, nagpaka-daring sa pelikula ng award-winning director na si Adolf Alix | GMANetwork.com - Radio - Articles

Kaabang-abang ang daring scene na ginawa ni Kiko Estrada sa 'My Stepmother's Lover.' Alamin kung ano ito!

Kiko Estrada, nagpaka-daring sa pelikula ng award-winning director na si Adolf Alix

Handa raw ibuwis ni Kiko Estrada ang kanyang buhay para sa kanyang minamahal. ‘Yan ang sagot ng aktor nang tanungin siya ng programang Walang Siesta ng Super Radyo dzBB kung kaya ba niyang  itaya ang kanyang buhay para sa taong kanyang napupusuan.

 

 

“Oo naman, alam ng mga nakaraan ko ‘yun [ex- girlfriend], ‘pag nagmahal ako buhos agad kasi mahal mo” pag-amin ng Kapuso hunk actor.

“'Pag may gusto ka, hindi ka dapat susuko, gaya ko 'pag may gusto ako, hindi (din) ako sumusuko.”

Aminado naman ang actor na mayroon siyang nakarelasyon na walang closure, dagdag pa niya, naranasan na rin niyang mag-makaawa rito. “Di ko alam, bigla na lang siyang nagsawa, ‘di nagparamdam. Nagmakaawa na ako. Basta mahal mo, gagawin mo, lahat lahat”

Isa pa sa inamin ni Kiko sa number one program ng dzBB ay naranasan na rin niyang makipagtalo sa kanyang magulang para ipaglaban ang kanyang kasintahan.

Katwiran nito, iba raw siya magmahal kaya naman ipaglalaban niya ang babaeng bumihag ng kanyang puso.??????? Pero sa ngayon, ine-enjoy daw ni Kiko ang kanyang pagiging single. 'Di naman daw ito nalulungkot dahil hindi siya nawawalan ng proyekto.

“May upcoming movie ako ngayon, Walwal under Regal Films at nagsimula na kaming magtaping. Mula ito sa direksyon ni Joey Javier Reyes. Ako si Marco [dito], isa siyang lover boy and how that character changes when he finds the one,” bahagi ng aktor.

Daring naman daw ang isa niyang pelikula na ginawa ni Direk Adolf Alix na My Stepmother’s Lover. May eksena daw kasi sa naturang pelikula na kita ang kanyang puwet.

“Wala akong suot, I had like supporter na medyas lang ang takip sa private part ko, there are back shots na butt shot, but there’s a lot of elegant shot,” sambit ng aktor.

Hindi naman daw nagdalawang isip na gawin ito ni Kiko dahil inalagaan naman daw siya ng award-winning director. "'Pag inalagaan ka naman ng magaling na director at elegante naman 'yung pagkakagawa at maayos ay wala namang problema, lahat ng tao sa set they were so helpful and respectful.”

Bukod sa pelikula ay aabangan din si Kiko sa bagong serye ng GMA na My Guitar Princess kasama sina Julie Ann San Jose at Gil Cuerva.