WATCH: Devon Seron kabado sa first guesting niya sa Kapuso Network | GMANetwork.com - Radio - Articles

Magandang umaga ang bumungad sa Kabarangay listeners ngayong Huwebes, March 15, dahil sa unang pagkakataon bumisita ang dating Kapamilya star na si Devon Seron sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Devon Seron kabado sa first guesting niya sa Kapuso Network

By AEDRIANNE ACAR

Magandang umaga ang bumungad sa mga Kabarangay listners ngayong Huwebes, March 15, dahil sa unang pagkakataon bumisita ang dating Kapamilya star na si Devon Seron sa Sikat sa Barangay.

#BuongPusongNanalig: 52 Kapamilya celebs na buong pusong Kapuso ngayon

Nakilala si Seron sa Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010 kung saan nanalo siya bilang 4th placer sa grand finale nito.

Kamakailan lang naman ay napanood siya sa primetime series na The One That Got Away kung saan gumanap siya bilang si Belle.

Sa exclusive interview ng magandang dalaga sa Barangay LS, umamin si Devon na halo-halo ang nararamdaman niya sa una niyang guesting sa GMA-7.

Aniya, “Yun ‘yung first guesting ko. Medyo kabado talaga ako habang ginagawa ko siya, pero at the same time parang nagmi-mix ‘yung kaba and excitement nung ginawa ko siya.”

Catch Devon Seron’s full interview in Sikat sa Barangay sa Facebook video below.