LOOK: Super Radyo DZBB at programang Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez, ginawaran sa 2018 Gandingan Award | GMANetwork.com - Radio - Articles

Muling tumanggap ng parangal  at pagkilala ang mga natatanging programa at personalidad ng GMA Network at Super Radyo DZBB sa Gandingan 2018 sa UP Los Baños, Laguna.

LOOK: Super Radyo DZBB at programang Saksi sa Dobol B ni Mike Enriquez, ginawaran sa 2018 Gandingan Award

 

 

Muling tumanggap ng parangal  at pagkilala ang mga natatanging programa at personalidad ng GMA Network at Super Radyo DZBB sa Gandingan 2018 sa UP Los Baños, Laguna.

Ginawaran ng Special Citation ang Super Radyo DZBB sa kategoryang Most Development-Oriented AM Station.

Ginawaran namang Most Development-Oriented AM program ang Saksi sa Dobol B ng Imbestigador ng Bayan na si Mike Enriquez.  

Ayon kay GMA Vice President for Radio Operations Glen Allona, mananatiling inspirasyon sa lahat ng mamahayag ng Super Radyo DZ Dobol B ang iginawad na parangal ng mga Iskolar ng Bayan.

Tiniyak din niya na magpapatuloy ang serbisyong totoo ng Super Radyo nang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan.