WATCH: Rita Daniela kabado na i-revive ang kanta ni Kyla na 'Hanggang Ngayon' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bakit nga ba kabado ang Kapuso singer sa pagkanta ng classic hit ni Kyla? Panoorin ang sagot ni Rita sa kanyang interview sa 'Sikat sa Barangay.'

WATCH: Rita Daniela kabado na i-revive ang kanta ni Kyla na "Hanggang Ngayon"

By AEDRIANNE ACAR

Hindi naitago ng Kapuso singer/actress Rita Daniela ang kaniyang kaba na siya ang pinaka-unang singer na magre-revive ng isa sa mga classic hit ng “R&B princess” na si Kyla.

WATCH: Devon Seron kabado sa first guesting niya sa Kapuso Network

 

Matatandaan na si Kyla ang host ng reality-TV singing competition sa QTV-11 na Popstar Kids, kung saan nagwagi na grand champion si Rita Daniela taong 2005.

Ayon sa panayam ng magaling na singer sa Sikat sa Barangay this Tuesday morning may pressure daw na bigyan niya ng magandang rendition ang OPM single na “Hanggang Ngayon”.

Aniya, “May bago akong single. Ito ‘yung “Hanggang Ngayon” Mama Belle, well medyo may pressure for me, pero sobrang feel ko honored lang. Kasi, I think I am the first one who will revive this song.”

“Kasi it was originally sung by Ate Kyla. So, parang it’s a good coincidence din kasi siyempre that’s the contest I came from Popstar Kids and si Ate Kyla ‘yung host. And I was the first grand champion of that contest.”

Panoorin ang full interview ni Rita Daniela sa Sikat sa Barangay sa video below.