WATCH: Kyline Alcantara inamin na challenging maging bida sa 'Kambal, Karibal' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bigatin ang naging celebrity guest ni Mama Belle sa 'Sikat sa Barangay' this Thursday afternoon, March 22, dahil naka one-on-one niya ang “La Nueva Kontrabida” na si Kyline Alcantara.

WATCH: Kyline Alcantara inamin na challenging maging bida sa 'Kambal, Karibal'

By AEDRIANNE ACAR

Bigatin ang naging celebrity guest ni Mama Belle sa Sikat sa Barangay this Thursday afternoon, March 22, dahil naka one-on-one niya ang “La Nueva Kontrabida” na si Kyline Alcantara.

WATCH: Rita Daniela kabado na i-revive ang kanta ni Kyla na "Hanggang Ngayon"

 

Nakilala si Kyline sa mahusay niyang pagganap sa high-rating Kapuso soap na Kambal, Karibal, kung saan gumaganap siya ng dalawang karakter bilang si Crisel at ngayon naman si Crisan.

Para sa Kapuso teen star ngayon lang daw niya na na-realize na mahirap pala maging bida, dahil malayo daw ito sa comfort zone niya bilang isang kontrabida.

“Para sa akin po kasi dahil comfort zone ko nga po ‘yung pagiging kontrabida, para sa akin po ‘yung pagiging bida kasi nakaka-drain po pala siya, kasi iyak po siya ng iyak lalo na po si Crisan ngayon. But still kailangan ko po gawin ‘yung trabaho ko.”

Challenging din daw ang pagswi-switch niya ng role sa Kambal,Karibal, dahil kailangan maging effective siya sa paggaya sa acting ng kaniyang co-star na si Bianca Umali.

“Lalo na po kapag nagampanan na po ‘yun ng kapwa artista mo, dahil kailangan mo gayahin ‘yung arte na ginagawa niya and siyempre po kailangan po i-improve yun para mas maging sarili mo ‘yung karakter na gagawin mo.”

Check out Kyline Alcantara’s full interview in Sikat sa Barangay in the video below.