LOOK: 'Potpot and Friends' host Papa Jepoy, businessman na rin! | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa exclusive interview ni Papa Jepoy sa GMANetwork.com, ikinuwento niya kung paano niya naisipan magtayo ng sariling negosyo.

LOOK: 'Potpot and Friends' host Papa Jepoy, businessman na rin!

By AEDRIANNE ACAR

Isang bagong milestone ang tatahakin ng long-time Kabarangay DJ na si Papa Jepoy, dahil ngayon ay isa na siyang business owner.

LOOK: Celebrity sightings in 'Sikat sa Barangay'

Naisipan ng basketball player-turned-DJ na magtayo ng sarili niya negosyo at napili niya ang isang food business, bilang brand ambassador na din siya ng Siomai King.

 

Sa exclusive interview ni Papa Jepoy sa GMANetwork.com, ikinuwento niya kung paano niya naisipan magtayo ng sariling negosyo.

Aniya, “Naisip namin ng wife ko mag business para sa future ng anak namin, kasi business management graduate naman siya, wife ko na mag handle. And nagkataon pinagkatiwalaan tayo ng JC Premiere para sa Siomai King. Salamat din po sa opportunity na ibinigay nila.”

Kahit bago pa lang ang kanilang munting siomai business na located sa Meycauayan, Bulacan ay determinado ang ‘Potpot and Friends’ host na makapag-expand in the future.

“Yes, hopefully makapag expand kami, pero sa ngayon start small and slow muna. Hands-on kami ng wife ko sa Siomai King. Talagang pinag aaralan namin lahat.”

“It's an exciting and challenging experience talaga and sana ma-inspire ang mga Kapuso natin na mag negosyo in the future.”

Pero kahit medyo magiging busy sa kaniyang food business ay nangako pa rin si Papa Jepoy na ang priority pa rin niya ay ang Barangay LS.

Biro ng magaling na radio host, “Yes, priority ang Barangay LS, kaya nagpatulong ako sa wife ko na mag handle ng Siomai king. Kaya ngayon Hari ng Radio sa umaga, Hari ng Siomai sa Hapon naman! hahaha”