WATCH: Callalily talks about their new single "Ex" in 'Sikat sa Barangay'
April 19 2018
Kung na-miss niyo ang tatak na music na handog ng Callalily, huwag nang mainip mga Kabarangay, dahil isang bagong kanta ng OPM band ang tiyak magugustuhan ninyo.
Sa panayam ni Mama Belle kay Kean Cipriano nang bumisita ang banda nila sa Sikat sa Barangay, nagkuwento siya sa latest single nila na “Ex”.
Saad ng Callalily vocalist, “Don’t get us wrong hindi siya like ibig sabhin na “Ex” dahil Ex-Boyfriend or Ex-Girlfriend, this song talks about forgiveness and acceptance and unconditional love,”
Dapat din daw tutukan ng fans nila ang music video ng “EX’ na sa kasalukuyan ay pinag-uusapan nila kung ano ang magiging concept.
Paliwanag ni Kean, “Kakarelease lang namin nung song sa digital world just recently noong April 13, so we are in the process of talking about the music video and conceptualizing.”
Panoorin ang kulitan at panayam ng bandang Callalily sa Facebook Live video ng Sikat sa Barangay:
Comments
comments powered by Disqus