WATCH: Kristoffer Martin, proud na umabot sa kalahating milyong streams ang 'Paulit-ulit' sa Spotify | GMANetwork.com - Radio - Articles

Lubos ang tuwa at pasasalamat ni Kristoffer Martin matapos maka-kalahating milyong streams ang kanyang single na 'Paulit-ulit' sa Spotify.

WATCH: Kristoffer Martin, proud na umabot sa kalahating milyong streams ang 'Paulit-ulit' sa Spotify

By AEDRIANNE ACAR

Taos-puso ang pasasalamat ng Kapuso heartthrob na si Kristoffer Martin sa success ng kaniyang single under GMA Records na “Paulit-ulit."

LOOK: OPM singer Earl Generao, nagkuwento sa Spotify hit niya na "Lunas"

Ni-reveal ng former Tween Hearts star na mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa kaniyang nakakakilig na single na umabot na ito ng mahigit kalahating milyong streams sa digital music streaming service na Spotify.

 

Ani Kristoffer, “Happy ako sa streams sa Spotify nasa half a million streams na siya so happy ako. Maraming-maraming salamat po sa lahat sa nag-abalang mag-download at makinig. Pati sa mga YouTube videos masaya rin ako, tsaka sa mga feedback ng mga tao dun sa 'Paulit-ulit.'” 

May bago ding kanta ang guwapong binata na "Let Me Be The One" na available na sa iTunes at Spotify.

Panoorin ang kaniyang buong panayam sa Sikat sa Barangay with Mama Belle sa video below.