WATCH: Philippines' King of RnB Jay-R, may pakulo sa bagong album | GMANetwork.com - Radio - Articles

Sa one-on-one interview ng OPM singer kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay, ipinaliwanag niya ang bagong pakulo sa kanyang latest all-Tagalog album. Alamin kung ano ito. 

WATCH: Philippines' King of RnB Jay-R, may pakulo sa bagong album

By AEDRIANNE ACAR

 

Exciting ang pinakabagong album ng Philippines’ King of RnB na si Jay-R, dahil mapapakinggan ang kaniyang mga kanta sa “Kamusta Ka,” isang MP3 album.

Sa one-on-one interview ng OPM singer kay Mama Belle sa Sikat sa Barangay, ipinaliwanag niya ang bagong pakulo sa kanyang latest all-Tagalog album na perfect sa mga digital-savy listeners ngayon.

Saad niya, “Yung album ko, hindi na CD, ‘yung album ko is an mp3 player and ito parang bagong technology under Homeworkz. Gusto naming gawin ‘yung parang ibang format na ibinibigay ng mga artists ng mga album sa ating mga consumers. So, itong MP3 player na may kasama nang ear phones… Tapos may nine songs siya all Tagalog, all original,”

“Hindi lang ‘yun mayrun pang kasamang USB cable kasi puwedeng i-charge ‘yung MP3, pero puwede din i-access ang exclusive files, kasi may four videos sa loob.”