EXCLUSIVE: Papa Dudut, sino ang unang tinawagan nang matanggap ang first award bilang DJ? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Matapos tanggapin ang award bilang Best FM program host, sino nga ba ang unang tinawagan ni Papa Dudut?

EXCLUSIVE: Papa Dudut, sino ang unang tinawagan nang matanggap ang first award bilang DJ?

By AEDRIANNE ACAR

Tumatak na kay Mr. Love Stories Papa Dudut ang pagiging isang mahusay na narrator sa FM radio industry.

Kamakailan lang, tumanggap ang loyal Kabarangay ng pagkilala, matapos itanghal sa 2018 Gandingan awards sa UP Los Baños bilang Best FM program host.

READ: Papa Dudut bags the Best FM program host at the 2018 Gandingan awards

“In my years sa radyo, na-experience ko na mag-number one for several times. Isa na lang ang kulang award na lang, tapos sabi ko pag nakuha ko ‘yung award na ‘yun, sasabihin ko sa nanay ko ‘Nay DJ na po ako!’”

At ginawa nga niya ito noong hinirang siya sa Gandingan Awards.

“Noong nataggap ko ‘yung award, tinawagan ko ‘yung nanay ko. Sabi ko sa nanay ko, Ma, DJ na ako, kasi sabi ko sa ‘yo pag nagkaroon ako ng award, DJ na ako, announcer na ako.'”

Mas lalo din daw siya ginanahan na pagbutihan pa ang kaniyang trabaho para mas maging makabuluhan ang pagkakapanalo niya sa Gandigan.

“Noong nakuha ko ‘yung award, na-realize ko na parang nagsisimula ako uli, nag-reset uli ako bigla.”

“Hanggang sa dumating ‘yung Gandingan, hindi lang siya basta-basta award. Ibinigay siya ng mga Isko at Iska. So sabi ko, ah okay din naman pala ‘yung paghihintay ko, kasi tatlo naman ‘yung nasungkit namin, ang Barangay LS may award bilang Most Development-Oriented FM Station at ang Radyo Nobela naman bilang Most Development-Oriented FM Program.”

Mapapakinggan na ang mga programa ni Papa Dudut at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.