EXCLUSIVE: Papa JT, 'tadhana' ang paglipat sa Barangay LS | GMANetwork.com - Radio - Articles

Dating DJ sa ibang station, bakit nga ba lumipat sa Barangay LS si Papa JT?

EXCLUSIVE: Papa JT, "tadhana" ang paglipat sa Barangay LS

By AEDRIANNE ACAR

May bagong radio host na aabangan araw-araw ang mga Kapuso sa number one FM station na Barangay LS 97.1.

Bibida na mga Kabarangay ang tinaguriang “The Bro Next Door” ng LSFM na si Papa JT o si Eduardo Lubrin II sa totoong buhay.

Ekslusibong nakapanayam ng GMANetwork.com si Papa JT at nagkuwento siya, kung bakit mas pinili niyang maging Kabarangay.


Dating DJ sa ibang station, isa raw sa deciding factor kaya siya lumipat ay gusto niyang magbigay-saya sa masang Pilipino.

“I’ve always wanted to be part of something big. Barangay LS is the best fit for me to grow and develop as a person. I’d come full circle.”

Dagdag pa niya, gusto rin nyang mag-grow as an artist at pagtuunan din ng pansin ang pagiging voice talent. 

Masaya raw si Papa JT dahil parte na siya Barangay LS. Mapapakinggan siya sa Talk Back (Monday to Saturday, 12MN to 3AM) at Sakto Mismo (Sunday, 3-5pm).

“Sabi ko nga things happen for a reason, so baka eto ‘yung time ko talaga here and sinadya talaga. Kumbaga sa Up Dharma Down, ‘Tadhana’ ang dating.”

Mapapakinggan na ang mga programa ni Papa JT at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.