EXCLUSIVE: Meet Papa JT, the 'Bro Next Door' | GMANetwork.com - Radio - Articles

Bilang ‘Bro Next Door’ ng Barangay LS 97.1, ano kaya ang dapat abangan kay Papa JT?

EXCLUSIVE: Meet Papa JT, the "Bro Next Door"

By AEDRIANNE ACAR

Ibinahagi ng pinakabago nating Kabarangay na si Papa JT kung bakit niya love ang pagiging isang disk jock at pagiging voice actor.

Bukod sa pagiging FM radio host, isa ding magaling na dubber si Papa JT na nagbigay boses na sa ilang malalaking commercials pati na rin mga hit koreanovela series na napanood ninyo sa Kapuso Network.

Ayon sa kanya, hindi isang trabaho ang pagiging DJ dahil ito ay kanyang passion.

Saad niya, “Yung pagdi-DJ, ako yan eh kumbaga it’s my passion and you don’t get so many opportunities na you get to earn while doing what you love.” 

Challenging naman sa kanya ang pagiging dubber, dahil naipapakita niya ang kanyang flexibility.

“Sa pagiging voice actor, nakakatuwa na marami kang nabibigyan ng boses na characters. Nakikita mo ‘yung flexibility mo and aside from that ‘yung depth mo as a voice actor.”

Bilang ‘Bro Next Door’ ng Barangay LS 97.1, ano naman kaya ang maaasahan sa kanya? 

Wika niya, “Bro Next Door is like your neighborhood kuya na maasahan sa anumang bagay. No pretentions. We deal with real life issues day in day out. Kaya kailangang magpakatotoo dahil keeping real is what Talk Back is all about. I do not tell people what to do sa program ko. I give advice and share my opinion instead, based on what I experienced and what others went through.”
 

Mapapakinggan na ang mga programa ni Papa JT at ang iba pang programa ng Barangay LS sa livestreaming nito sa www.gmanetwork.com/radio.